Pahayag 13:1-4

(Pahayag 13:1-4)

ANG UNANG HALIMAW

Pagkatapos ay nakita kong umaahon sa dagat ang isang halimaw na may pitong ulo at sampung sungay. May korona ang bawat sungay nito at sa bawat ulo ay nakasulat ang mga pangalang lumalapastangan sa Diyos. Ang halimaw ay parang leopardo, ang mga paa nito’y tulad ng mga paa ng oso, at ang bibig ay parang bibig ng leon. Ibinigay ng dragon sa halimaw ang kanyang sariling lakas, trono at malawak na kapangyarihan. Ang isa sa mga ulo ng halimaw ay parang may sugat na nakamamatay, ngunit ito’y gumaling. Namangha ang buong daigdig sa nangyaring ito, at nagsisunod sila sa halimaw. Sinamba ng lahat ng tao ang dragon sapagkat ibinigay nito ang kanyang kapangyarihan sa halimaw. Sinamba rin nila ang halimaw at sinabi nila, “Sino ang katulad ng halimaw? Sino ang makakalaban sa kanya?”

Reviews
  • Pahayag 13:1-4
  • God loves you so much!
  • Jesus Christ is our Lord and Savior.
  • Jesus Christ is the same yesterday and today and forever.
  • Jesus said, "I am the way and the truth and the life. No one comes to the Father except through me. (John 14:6)
  • Si Jesus ang ilaw ng sanlibutan na nagbibigay buhay; puspos ng pag-ibig, kagandahang-loob at katotohanan.
5
Sending
User Review
0 (0 votes)

Comments

comments

Leave a Reply