(PANAGHOY 3:21-25)
[21] Ito ang ginugunita ko sa aking pagiisip; kaya’t may pagasa ako.
[22] Sa mga kaawaan nga ng Panginoon ay hindi tayo nalipol, sapagka’t ang kaniyang mga habag ay hindi nauubos.
[23] Ang mga yao’y bago tuwing umaga, dakila ang inyong pagtatapat.
[24] Ang Panginoon ay aking bahagi, sabi ng aking kaluluwa; kaya’t ako’y aasa sa kaniya.
[25] Ang Panginoon ay mabuti sa kanila na nangaghihintay sa kaniya, sa kaluluwa na humahanap sa kaniya.