Ako ang mabuting pastol. Kilala ko ang sariling akin, at kilala ako ng sariling akin. Gaya ng pagkakilala sa akin ng Ama, at ng pagkakilala ko sa Ama, at ibinibigay ko ang aking buhay para sa mga tupa. Mayroon akong ibang mga tupa na wala sa kulungang ito. Kailangan ko rin silang dalhin dito at kanilang papakinggan ang aking tinig. Kaya’t magkakaroon ng isang kawan na may isang pastol. Dahil dito’y minamahal ako ng Ama, sapagkat ibinibigay ko ang aking buhay, upang ito’y kunin kong muli. Walang nag-aalis nito sa akin, kundi kusa kong ibinibigay. May kapangyarihan akong ibigay ito, at may kapangyarihan akong kunin itong muli. Tinanggap ko ang utos na ito mula sa aking Ama.”
(JUAN 10:14-18)
Comments
comments