Sinabi ni Maria, “Dinadakila ng aking kaluluwa ang Panginoon, at nagagalak ang aking espiritu sa Diyos na aking Tagapagligtas. Sapagkat nilingap niya ang abang kalagayan ng kanyang alipin. Sapagkat tiyak na mula ngayon ay tatawagin akong mapalad ng lahat ng salinlahi. Sapagkat siya na makapangyarihan ay gumawa para sa akin ng mga dakilang bagay at banal ang kanyang pangalan. Ang kanyang awa ay sa mga natatakot sa kanya sa lahat ng sali’t-saling lahi.
(LUCAS 1:46-50)