O kayo’y magpasalamat sa Panginoon, tumawag kayo sa kanyang pangalan; ipakilala ninyo sa mga bayan ang kanyang mga gawa. Umawit kayo sa kanya, magsiawit kayo ng mga papuri sa kanya; ipahayag ninyo ang lahat niyang mga kamanghamanghang gawa. Lumuwalhati kayo sa kanyang banal na pangalan; magalak ang puso ng mga nagsisihanap sa Panginoon. Hanapin ninyo ang Panginoon at ang kanyang lakas; palagi ninyong hanapin ang kanyang pakikiharap. Alalahanin ninyo ang kanyang kamanghamanghang mga gawa na kanyang ginawa; ang kanyang mga kababalaghan, ang mga hatol na kanyang binigkas,
(I CRONICA 16:8-12)