Ihilig mo ang iyong puso sa pangaral, at ang iyong mga tainga sa mga salita ng kaalaman. Huwag mong ipagkait sa bata ang saway, kung hampasin mo siya ng pamalo, siya’y hindi mamamatay. Kung siya’y hahampasin mo ng pamalo, mula sa Sheol ang kanyang kaluluwa’y ililigtas mo. Kung ang iyong puso ay marunong, aking anak, ang puso ko rin naman ay magagalak. Ang kaluluwa ko’y matutuwa, kapag ang iyong mga labi’y nagsasalita ng tama. Huwag mainggit ang iyong puso sa mga makasalanan, kundi magpatuloy ka sa takot sa Panginoon sa buong araw. Sapagkat tunay na may kinabukasan, at ang iyong pag-asa ay hindi mapaparam.
(KAWIKAAN 23:12-18)