
Halikayo, mga anak, pakinggan ninyo ako, ang takot sa Panginoon ay ituturo ko sa inyo. Sinong tao ang nagnanasa ng buhay, at naghahangad ng maraming araw, upang magtamasa ng mabuti? Ingatan mo ang iyong dila mula sa masama, at ang iyong mga labi sa pagsasalita ng pandaraya. Lumayo ka sa kasamaan, at ang mabuti’y iyong gawin; hanapin mo ang kapayapaan at ito’y iyong habulin. Ang mga mata ng Panginoon ay sa matuwid nakatitig, at sa kanilang daing, bukas ang kanyang pandinig. Ang mukha ng Panginoon ay laban sa mga gumagawa ng masama, upang tanggalin ang alaala nila sa lupa. Kapag ang matuwid ay humingi ng saklolo, ang Panginoon ay nakikinig, at inililigtas sila sa lahat nilang mga gulo.
(AWIT 34:11-17)






