Bahay at kayamanan ay minamana sa mga magulang, ngunit galing sa Panginoon ang asawa na may katalinuhan. Ang katamaran ay nagbubulid sa tulog na mahimbing; at ang taong tamad, gutom ay daranasin. Ang nag-iingat ng utos ay kaluluwa niya ang iniingatan, ngunit ang humahamak sa salita ay mamamatay. Ang mabait sa dukha ay sa Panginoon nagpapautang, at ang kanyang mabuting gawa sa kanya ay babayaran.
(KAWIKAAN 19:14-17)