O Panginoon, aming Panginoon, sa buong lupa ay napakadakila ng iyong pangalan! Sa itaas ng mga langit ay inaawit ang iyong kaluwalhatian mula sa bibig ng mga sanggol at mga musmos, ikaw ay nagtatag ng tanggulan dahil sa mga kalaban mo, upang patahimikin ang kaaway at ang maghihiganti sa iyo. Kapag pinagmamasdan ko ang iyong kalangitan, ang gawa ng iyong mga daliri, ang buwan at ang mga bituin na iyong inilagay; ano ang tao upang siya’y iyong alalahanin, at ang anak ng tao upang siya’y iyong kalingain? Gayunma’y ginawa mo siyang mababa lamang nang kaunti kaysa Diyos, at pinutungan mo siya ng kaluwalhatian at karangalan. Binigyan mo siya ng kapamahalaan sa mga gawa ng iyong mga kamay; sa ilalim ng kanyang mga paa ay inilagay mo ang lahat ng mga bagay,
(AWIT 8:1-6)
Comments
comments