(ADB) AWIT 16:5-11
5) Ang Panginoon ay siyang bahagi ng aking mana at ng aking saro: Iyong inaalalayan ang aking kapalaran.
6) Ang pising panukat ay nangahulog sa akin sa mga maligayang dako; Oo, ako’y may mainam na mana.
7) Aking pupurihin ang Panginoon na nagbibigay sa akin ng payo: Oo, tinuturuan ako sa gabi ng aking puso.
8) Aking inilagay na lagi ang Panginoon sa harap ko: Sapagka’t kung siya ay nasa aking kanan, hindi ako makikilos.
9) Kaya’t ang aking puso ay masaya, at ang aking kaluwalhatian ay nagagalak: Ang akin namang katawan ay tatahang tiwasay.
10) Sapagka’t hindi mo iiwan ang aking kaluluwa sa libingan; Ni hindi mo man titiisin ang iyong banal ay makakita ng kabulukan.
11) Iyong ituturo sa akin ang landas ng buhay: Nasa iyong harapan ang kapuspusan ng kagalakan; Sa iyong kanan ay may mga kasayahan magpakailan man.
Comments
comments