(ADB) AWIT 16:1-4
1) Ingatan mo ako, Oh Dios; sapagka’t sa iyo nanganganlong ako.
2) Oh kaluluwa ko, iyong sinabi sa Panginoon, Ikaw ay aking Panginoon: Ako’y walang kabutihan liban sa iyo.
3) Tungkol sa mga banal na nangasa lupa, Sila ang maririlag na mga kinalulugdan kong lubos.
4) Ang mga kalumbayan nila ay dadami, na nangaghahandog sa ibang dios: Ang kanilang inuming handog na dugo ay hindi ko ihahandog, Ni sasambitin man ang kanilang mga pangalan sa aking mga labi.
Comments
comments