Kaya nga, huwag tayong matulog gaya ng mga iba, kundi tayo’y manatiling handa at magpakatino. Sapagkat ang mga natutulog ay natutulog sa gabi; at ang naglalasing ay naglalasing sa gabi. Ngunit palibhasa’y mga anak tayo ng araw, magpakatino tayo, at isuot natin ang baluti ng pananampalataya at ng pag-ibig; at ang maging helmet ay ang pag-asa ng kaligtasan. Sapagkat tayo’y hindi itinalaga ng Diyos sa galit, kundi sa pagtatamo ng kaligtasan sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na namatay dahil sa atin, upang tayo, maging gising o tulog man, ay mabuhay tayong kasama niya.
(I TESALONICA 5:6-10)