Huwag ninyong patayin ang ningas ng Espiritu. Huwag ninyong hamakin ang mga pagpapahayag ng propesiya, kundi subukin ninyo ang lahat ng mga bagay; panghawakan ninyo ang mabuti. Layuan ninyo ang bawat anyo ng kasamaan. Pakabanalin nawa kayong lubos mismo ng Diyos ng kapayapaan; at ang inyong espiritu at kaluluwa at katawan ay ingatang buo, na walang kapintasan sa pagdating ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
(I TESALONICA 5:19-23)