Dito natin nakikilala ang pag-ibig, sapagkat ibinigay niya ang kanyang buhay alang-alang sa atin; at nararapat nating ibigay ang ating mga buhay alang-alang sa mga kapatid. Subalit ang sinumang may mga pag-aari sa sanlibutang ito, at nakikita ang kanyang kapatid na nangangailangan, at pinagsasarhan niya ito ng kanyang damdamin, paanong nananatili ang pag-ibig ng Diyos sa kanya? Mga munting anak, huwag tayong umibig sa salita, ni sa dila kundi sa gawa at sa katotohanan. Dito natin makikilala na tayo’y mula sa katotohanan, at magkakaroon ng kapanatagan ang ating mga puso sa harapan niya, tuwing hahatulan tayo ng ating puso; sapagkat ang Diyos ay higit na dakila kaysa ating puso, at nalalaman niya ang lahat ng mga bagay.
(I JUAN 3:16-20)