Sapagkat ito ang mensahe na inyong narinig buhat nang pasimula, na mag-ibigan tayo sa isa’t isa, na hindi gaya ni Cain na siya’y sa masama, at pinaslang ang kanyang kapatid. At bakit niya ito pinaslang? Sapagkat ang kanyang mga gawa ay masasama at ang mga gawa ng kanyang kapatid ay matutuwid. Mga kapatid, huwag kayong magtaka, kung kayo’y kinapopootan ng sanlibutan. Nalalaman nating tayo’y dumaan na mula sa kamatayan patungo sa buhay, sapagkat iniibig natin ang isa’t isa. Ang hindi umiibig ay nananatili sa kamatayan. Ang sinumang napopoot sa kanyang kapatid ay isang mamamatay-tao, at nalalaman ninyong ang buhay na walang hanggan ay hindi nananatili sa sinumang mamamatay-tao.
(I JUAN 3:11-15)