(Pahayag 12:1-2)
ANG BABAE AT ANG DRAGON
Kasunod nito’y lumitaw sa langit ang isang kakaibang palatandaan: isang babaing nadaramtan ng araw at nakatuntong sa buwan, at ang ulo’y may koronang binubuo ng labindalawang (12) bituin. Malapit na siyang manganak kaya’t napapasigaw siya dahil sa matinding hirap.