Ano ang pakinabang mga kapatid ko, kung sinasabi ng sinuman na siya’y may pananampalataya, ngunit walang mga gawa? Maililigtas ba siya ng kanyang pananampalataya? Kung ang isang kapatid na lalaki o babae ay namumuhay nang hubad at kinukulang sa pagkain sa araw-araw, at ang isa sa inyo ay magsabi sa kanila, “Humayo kayong payapa, magpainit kayo at magpakabusog,” subalit hindi ninyo sila binibigyan ng mga bagay na kailangan ng katawan; anong pakinabang niyon? Kaya’t ang pananampalataya na nag-iisa, kung ito ay walang mga gawa ay patay.
(SANTIAGO 2:14-17)
Comments
comments