Nang mga araw na iyon ay nanggaling si Jesus sa Nazaret ng Galilea, at siya’y binautismuhan ni Juan sa Jordan. Pagkaahon niya sa tubig, nakita niyang biglang nabuksan ang kalangitan, at ang Espiritu na bumababa sa kanya na tulad sa isang kalapati. At may isang tinig na nagmula sa langit, “Ikaw ang minamahal kong Anak, sa iyo ako lubos na nalulugod.”
(MARCOS 1:9-11)