(ADB) LUCAS 21:33-36
33) Ang langit at ang lupa ay lilipas: datapuwa’t ang aking mga salita ay hindi lilipas.
34) Datapuwa’t mangagingat kayo sa inyong sarili, baka mangalugmok ang inyong mga puso sa katakawan, at sa kalasingan, at sa mga pagsusumakit ukol sa buhay na ito, at dumating na bigla sa inyo ang araw na yaon na gaya ng silo:
35) Sapagka’t gayon darating sa kanilang lahat na nangananahan sa ibabaw ng buong lupa.
36) Datapuwa’t mangagpuyat kayo sa bawa’t panahon, na mangagsidaing, upang kamtin ninyo ang makatakas sa lahat ng mga bagay na ito na mangyayari, at upang mangakatayo kayo sa harapan ng Anak ng tao.
Related Stories
ISAIAS 54:10 1 min read
MARCOS 16:15-17 1 min read
AWIT 19:1-2 1 min read
FILIPOS 2:10-11 1 min read
PANAGHOY 3:21-25 1 min read
AWIT 119:140-142 1 min read