Ang mayaman at ang dukha ay nagkakasalubong kapwa; ang Panginoon ang sa kanilang lahat ay gumawa. Ang matalinong tao ay nakakakita ng panganib at nagkukubli siya, ngunit nagpapatuloy ang walang muwang at siya’y nagdurusa. Ang gantimpala sa pagpapakumbaba at takot sa Panginoon ay kayamanan, karangalan, at buhay. Nasa daan ng mandaraya ang mga tinik at silo, ang nag-iingat ng kanyang sarili, sa mga iyon ay lalayo.
(KAWIKAAN 22:2-5)