(ADB) JUAN 6:35-40
35) Sa kanila’y sinabi ni Jesus, Ako ang tinapay ng kabuhayan: ang lumalapit sa akin ay hindi magugutom, at ang sumasampalataya sa akin kailan ma’y hindi mauuhaw.
36) Datapuwa’t sinabi ko sa inyo, na nakita ninyo ako, at gayon ma’y hindi kayo nagsisampalataya.
37) Ang lahat ng ibinibigay sa akin ng Ama ay magsisilapit sa akin; at ang lumalapit sa akin sa anomang paraan ay hindi ko itataboy.
38) Sapagka’t bumaba akong mula sa langit, hindi upang gawin ko ang aking sariling kalooban, kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin.
39) At ito ang kalooban ng nagsugo sa akin, na sa lahat ng ibinigay niya sa akin ay huwag kong iwala ang anoman, kundi ibangon sa huling araw.
40) Sapagka’t ito ang kalooban ng aking Ama, na ang bawa’t nakakakita sa Anak, at sa kaniya’y sumampalataya, ay magkaroon ng walang hanggang buhay; at akin siyang ibabangon sa huling araw.
Related Stories
ISAIAS 54:10 1 min read
MARCOS 16:15-17 1 min read
AWIT 19:1-2 1 min read
FILIPOS 2:10-11 1 min read
PANAGHOY 3:21-25 1 min read
AWIT 119:140-142 1 min read