(ADB) JUAN 10:7-11
7) Muli ngang sinabi sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, ako ang pintuan ng mga tupa.
8) Ang lahat ng nangauna sa aking nagsiparito ay mga magnanakaw at mga tulisan: datapuwa’t hindi sila dininig ng mga tupa.
9) Ako ang pintuan; ang sinomang taong pumasok sa akin, ay siya’y maliligtas, at papasok at magpapatuloy, at makasusumpong ng pastulan.
10) Hindi pumaparito ang magnanakaw, kundi upang magnakaw, at pumatay, at pumuksa: ako’y naparito upang sila’y magkaroon ng buhay, at magkaroon ng kasaganaan nito.
11) Ako ang mabuting pastor: ibinibigay ng mabuting pastor ang kaniyang buhay dahil sa mga tupa.
Comments
comments