Mayroong isang tao na isinugo mula sa Diyos na ang pangalan ay Juan. Siya ay dumating bilang saksi, upang magpatotoo tungkol sa ilaw, upang sa pamamagitan niya’y sumampalataya ang lahat. Hindi siya ang ilaw, kundi dumating siya upang magpatotoo tungkol sa ilaw. Siya ang tunay na ilaw na tumatanglaw sa bawat dumarating sa sanlibutan. Siya noon ay nasa sanlibutan at ang sanlibutan ay ginawa sa pamamagitan niya, gayunma’y hindi siya nakilala ng sanlibutan.
(JUAN 1:6-10)
Comments
comments