“Ganito ang sabi ng Panginoon: Tumayo ka sa bulwagan ng bahay ng Panginoon at sabihin mo sa lahat ng mga lunsod ng Juda na dumarating upang sumamba sa bahay ng Panginoon ang lahat ng salita na iniutos ko sa iyo na sabihin sa kanila. Huwag kang magbawas ng kahit isang salita. Marahil ay makikinig sila, at bawat tao ay tatalikod sa kanyang masamang lakad; upang baguhin ko ang aking isip tungkol sa kasamaan na aking pinanukalang gawin dahil sa kanilang masasamang gawa.
(JEREMIAS 26:2-3)