Mga babae, pasakop kayo sa inyu-inyong asawa, gaya ng nararapat sa Panginoon. Mga lalaki, ibigin ninyo ang inyu-inyong asawa at huwag kayong maging malupit sa kanila. Mga anak, sumunod kayo sa inyong mga magulang sa lahat ng mga bagay, sapagkat ito’y nakakalugod sa Panginoon. Mga ama, huwag ninyong ibunsod sa galit ang inyong mga anak, baka manghina ang loob nila. Mga alipin, sumunod kayo sa lahat ng mga bagay sa mga panginoon ninyo sa lupa, hindi naglilingkod kung may tumitingin, na gaya ng pagbibigay-lugod sa mga tao, kundi sa katapatan ng puso, na may takot sa Panginoon.
(COLOSAS 3:18-22)
Comments
comments