Upang maaliw sana ang kanilang mga puso, sa kanilang pagkakaisa sa pag-ibig, at magkaroon ang lahat ng mga kayamanan ng buong katiyakan ng pagkaunawa, at magkaroon ng kaalaman ng hiwaga ng Diyos, na si Cristo, na sa kanya nakatago ang lahat ng mga kayamanan ng karunungan at kaalaman. Ito’y sinasabi ko upang huwag kayong madaya ng sinuman sa mga pananalitang kaakit-akit. Sapagkat bagaman ako’y wala sa katawan, gayunma’y nasa inyo ako sa espiritu, at nagagalak na makita ko ang inyong kaayusan, at ang katatagan ng inyong pananampalataya kay Cristo.
(COLOSAS 2:2-5)
Comments
comments