
Ang Panginoon ay malapit sa may pusong wasak, at inililigtas ang mga may bagbag na diwa. Marami ang kapighatian ng matuwid; ngunit inililigtas siya ng Panginoon sa lahat ng mga iyon. Lahat nitong mga buto ay iniingatan niya, sa mga iyon ay hindi nababali ni isa. Ang masama ay papatayin ng kasamaan, at ang mga napopoot sa matuwid ay hahatulan. Tinutubos ng Panginoon ang buhay ng mga lingkod niya; walang hahatulan sa sinumang nanganganlong sa kanya.
(AWIT 34:18-22)






