Sinabi ng Panginoon sa akin, “Ituturo ko sa iyo ang daan na dapat mong lakaran. Papayuhan kita habang binabantayan. Huwag kang tumulad sa kabayo o mola na walang pang-unawa, na kailangan pang rendahan upang mapasunod.” Maraming hirap ang mararanasan ng taong masama, ngunit mamahalin ng Panginoon ang sa kanya ay nagtitiwala. Kayong mga matuwid, magalak kayo at magsaya sa Panginoon. Kayong mga namumuhay ng tama, sumigaw kayo sa galak!
(Awit 32:8-11)