(ADB) AWIT 23:1-4
1) Ang Panginoon ay aking pastor, hindi ako mangangailangan.
2) Kaniyang pinahihiga ako sa sariwang pastulan: Pinapatnubayan niya ako sa siping ng mga tubig na pahingahan,
3) Kaniyang pinapananauli ang aking kaluluwa: Pinapatnubayan niya ako sa mga landas ng katuwiran alangalang sa kaniyang pangalan.
4) Oo, bagaman ako’y lumalakad sa libis ng lilim ng kamatayan, Wala akong katatakutang kasamaan; sapagka’t ikaw ay sumasa akin: Ang iyong pamalo at ang iyong tungkod, ay nagsisialiw sa akin.
Comments
comments