Ang Panginoon ay matuwid sa lahat ng pamamaraan niya, at mabait sa lahat niyang mga gawa. Ang Panginoon ay malapit sa lahat ng sa kanya’y nananawagan, sa lahat ng tumatawag sa kanya sa katotohanan. Kanyang ibinibigay ang nasa ng lahat ng natatakot sa kanya; kanya ring dinirinig ang kanilang daing, at inililigtas sila. Iniingatan ng Panginoon ang lahat ng umiibig sa kanya; ngunit lahat ng masama ay lilipulin niya.
(AWIT 145:17-20)
Comments
comments