AWIT 119:59-62 (ADB)
59. Ako’y nagiisip sa aking mga lakad, At ibinalik ko ang aking mga paa sa iyong mga patotoo.
60. Ako’y nagmadali, at hindi ako nagmakupad, Na sundin ang iyong mga utos.
61. Pinuluputan ako ng mga panali ng masama; Nguni’t hindi ko nilimot ang iyong kautusan.
62. Sa hating gabi ay babangon ako upang magpasalamat sa iyo, Dahil sa iyong mga matuwid na kahatulan.
Comments
comments