Kaya aking tinitiis ang lahat ng mga bagay dahil sa mga hinirang, upang kamtan din nila ang kaligtasan kay Cristo Jesus na may kaluwalhatiang walang hanggan. Tapat ang salita: Kung tayo’y namatay na kasama niya, mabubuhay rin tayong kasama niya; kung tayo’y magtitiis, maghahari naman tayong kasama niya; kung ating ikakaila siya, ay ikakaila rin niya tayo; kung tayo’y hindi tapat, siya’y nananatiling tapat; sapagkat hindi niya maipagkakaila ang kanyang sarili. Ipaalala mo sa kanila ang mga bagay na ito, na sila’y pagbilinan mo sa harapan ng Diyos na sila’y huwag makipagtalo tungkol sa mga salita na hindi mapapakinabangan kundi sa ikapapahamak lamang ng mga nakikinig.
(2 TIMOTEO 2:10-14)
Comments
comments