Sapagkat bagaman kami ay lumalakad sa laman, ay hindi kami nakikipaglabang ayon sa laman. Sapagkat ang mga sandata ng aming pakikipaglaban ay hindi makalaman, kundi maka-Diyos na may kapangyarihang makagiba ng mga kuta. Aming ginigiba ang mga pangangatuwiran at bawat palalong hadlang laban sa karunungan ng Diyos, at binibihag ang bawat pag-iisip upang sumunod kay Cristo; na handang parusahan ang bawat pagsuway, kapag ang inyong pagsunod ay ganap na. Masdan ninyo ang mga bagay na nasa harapan ng inyong mga mata. Kung ang sinuman ay nagtitiwala na siya’y kay Cristo, paalalahanan niyang muli ang kanyang sarili na kung paanong siya’y kay Cristo, kami ay gayundin.
(II CORINTO 10:3-7)