Subalit tanggihan mo ang masasama at mga walang kabuluhang katha. Sanayin mo ang iyong sarili sa kabanalan, sapagkat ang pagsasanay sa katawan ay may kaunting pakinabang subalit ang kabanalan ay may kapakinabangan sa lahat ng bagay, na may pangako sa buhay na ito at sa darating. Tapat ang salita at nararapat tanggapin nang lubos. Sapagkat dahil dito ay nagpapagal kami at nagsisikap, sapagkat nakalagak ang aming pag-asa sa Diyos na buháy, na siyang Tagapagligtas ng lahat ng tao, lalo na ng mga nananampalataya. Iutos at ituro mo ang mga bagay na ito.
(1 TIMOTEO 4:7-11)
Comments
comments