Una sa lahat, ay isinasamo ko na gawin ang mga paghiling, mga panalangin, mga pamamagitan, at mga pagpapasalamat patungkol sa lahat ng mga tao; patungkol sa mga hari at sa lahat ng nasa mataas na katungkulan upang tayo’y mamuhay na tahimik at payapa sa buong kabanalan at paggalang. Ito’y mabuti at kaaya-aya sa paningin ng Diyos na ating Tagapagligtas; na nagnanais na ang lahat ng tao ay maligtas at makarating sa pagkakilala ng katotohanan.
(1 TIMOTEO 2:1-4)
Comments
comments