Nagpapasalamat ako sa kanya na nagpapalakas sa akin, kay Cristo Jesus na Panginoon natin, sapagkat ako’y itinuring niyang tapat, na ako’y inilagay sa paglilingkod sa kanya. Kahit na noong una ako’y isang lapastangan, mang-uusig at mang-aalipusta, gayunma’y kinahabagan ako, sapagkat sa kamangmangan ay ginawa ko iyon sa kawalan ng pananampalataya, at labis na sumagana sa akin ang biyaya ng ating Panginoon na may pananampalataya at pag-ibig na na kay Cristo Jesus.
(1 TIMOTEO 1:12-14)
Comments
comments