Kayo’y sa Diyos, mga munting anak, at inyong dinaig sila sapagkat siyang nasa inyo ay higit na dakila kaysa sa nasa sanlibutan. Sila’y sa sanlibutan: kaya’t tungkol sa sanlibutan ang kanilang sinasabi at pinapakinggan sila ng sanlibutan. Kami ay sa Diyos. Ang nakakakilala sa Diyos ay nakikinig sa amin at ang hindi sa Diyos ay hindi nakikinig sa amin. Dito’y ating nakikilala ang espiritu ng katotohanan at ang espiritu ng kamalian.
(I JUAN 4:4-6)