COLOSAS 3:5-8 (ADB)
5. Patayin nga ninyo ang inyong mga sangkap ng katawang nangasa ibabaw ng lupa, pakikiapid, karumihan, masamang pita, masasamang nasa, at kasakiman, na iya’y pagsamba sa mga diosdiosan;
6. Na dahil sa mga bagay na iyan ay dumarating ang kagalitan ng Dios sa mga anak ng pagsuway:
7. Na inyo ring nilakaran nang una, nang kayo’y nangabubuhay pa sa mga bagay na ito;
8. Datapuwa’t ngayon ay inyo namang layuan ang lahat ng mga ito: galit, kapootan, paghihinala, panunungayaw, mga salitang kahalay-halay na mula sa inyong bibig:
Comments
comments