(ADB) MATEO 22:25-30
25) Nagkaroon nga sa amin ng pitong magkakapatid na lalake: at nagasawa ang panganay at namatay, at sapagka’t hindi siya nagkaanak ay iniwan niya ang kaniyang asawa sa kaniyang kapatid na lalake;
26) Gayon din naman ang nangyari sa pangalawa, at sa pangatlo, hanggang sa ikapito.
27) At sa kahulihulihan nilang lahat, ay namatay ang babae.
28) Sa pagkabuhay ngang maguli sino kaya doon sa pito ang magiging asawa? sapagka’t siya’y naging asawa nilang lahat.
29) Nguni’t sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Nangagkakamali kayo, sa hindi pagkaalam ng mga kasulatan, ni ng kapangyarihan man ng Dios.
30) Sapagka’t sa pagkabuhay na maguli ay hindi na mangagaasawa, ni mga papagaasawahin pa, kundi gaya ng mga anghel sa langit.
Comments
comments