
Ituro mo sa akin, O Panginoon, ang iyong daan, akayin mo ako sa patag na landas dahil sa aking mga kaaway. Huwag mo akong ibigay sa kalooban ng aking mga kaaway; sapagkat mga sinungaling na saksi laban sa akin ay nagbangon, at sila’y nagbubuga ng karahasan. Ako’y naniniwala na aking masasaksihan ang kabutihan ng Panginoon sa lupain ng mga nabubuhay! Maghintay ka sa Panginoon; magpakalakas ka at magpakatapang ang iyong puso; oo, maghintay ka sa Panginoon!
(AWIT 27:11-14)






