Site icon Jesus is my Lord and Savior

Pangako ng kaligayahan

pangako ng kaligayahan, Pangako ng kaligayahan

pangako ng kaligayahan, Pangako ng kaligayahan

TUNGKOL SA PANGAKO NG KALIGAYAHAN NA NAGMULA SA MGA BERSIKULO NA NASA BIBLIA:

Nguni’t iyong pagalakin ang lahat na nagsisipagkanlong sa iyo, pahiyawin mo nawa sila sa kagalakan magpakailan man, sapagka’t iyong ipinagsasanggalang sila: mangagalak nawa rin sa iyo ang nagsisiibig ng iyong pangalan.
– Mga Awit 5:11

Iyong ituturo sa akin ang landas ng buhay: nasa iyong harapan ang kapuspusan ng kagalakan; sa iyong kanan ay may mga kasayahan magpakailan man.
– Mga Awit 16:11

Sapagka’t ang kaniyang galit ay sangdali lamang; ang kaniyang paglingap ay habang buhay: pag-iyak ay magtatagal ng magdamag, nguni’t kagalakan ay dumarating sa kinaumagahan.
– Mga Awit 30:5

Sila na nagsisipaghasik na may luha ay magsisiani na may kagalakan.
– Mga Awit 126:5

Mapalad ang bawa’t isa na natatakot sa Panginoon, na lumalakad sa kaniyang mga daan.Sapagka’t iyong kakanin ang gawa ng iyong mga kamay: magiging maginhawa ka, at ikabubuti mo.
– Mga Awit 128:1, 2

At ang pinagtutubos ng Panginoon ay mangagbabalik, at magsisiparoong nagaawitan sa Sion; at walang hanggang kagalakan ay mapapasa kanilang mga ulo: sila’y mangagtatamo ng kasayahan at kagalakan, at ang kapanglawan at ang pagbubuntong-hininga ay mapaparam.
– Isaias 35:10

Ang mga bagay na ito ay sinalita ko sa inyo, upang ang aking kagalakan ay mapasa inyo, at upang ang inyong kagalakan ay malubos.
– Juan 15:11

Sapagka’t ang kaharian ng Diyos ay hindi ang pagkain at paginom, kundi ang katuwiran at ang kapayapaan at ang kagalakan sa Espiritu Santo.
– Mga Taga Roma 14:17

Spread the Word of God

Comments

comments

Exit mobile version