Site icon Jesus is my Lord and Savior

Pahayag 21:9-11

Pahayag 21:9-11, Pahayag 21:9-11
Pahayag 21:9-11, Pahayag 21:9-11

(Pahayag 21:9-11)

ANG BAGONG JERUSALEM

Pagkatapos ay sinabi ng nakaupo sa trono, “Pagmasdan ninyo, ginagawa kong bago ang lahat ng bagay!” At sinabi niya sa akin, “Isulat mo, sapagkat maaasahan at totoo ang mga salitang ito.” Sinabi rin niya sa akin, “Naganap na! Ako ang Alpha at ang Omega, ang simula at ang wakas. Ang sinumang nauuhaw ay bibigyan ko ng tubig na walang bayad mula sa bukal na nagbibigay-buhay. Ito ang makakamtan ng magtatagumpay: ako’y magiging Diyos niya at siya nama’y magiging anak ko. Subalit para naman sa mga duwag, mga taksil, mga gumagawa ng mga kasuklam-suklam na bagay, mga mamamatay-tao, mga nakikiapid, mga mangkukulam, mga sumasamba sa diyus-diyosan, at sa lahat ng mga sinungaling—ang magiging bahagi nila’y sa lawa ng nagliliyab na apoy at asupre. Ito ang pangalawang kamatayan.”

Spread the Word of God

Comments

comments

Exit mobile version