Site icon Jesus is my Lord and Savior

Pahayag 20:11-15

Pahayag 20:11-15, Pahayag 20:11-15
Pahayag 20:11-15, Pahayag 20:11-15

(Pahayag 20:11-15)

ANG PAGHUHUKOM

Pagkatapos nito’y nakita ko ang isang malaking tronong puti at ang nakaupo doon. Naglaho ang lupa’t langit sa kanyang harapan, at hindi na nakita pang muli. Nakita kong nakatayo sa harap ng trono ang mga namatay, maging dakila at hamak, at binuksan ang mga aklat. Binuksan ang isa pang aklat, ang aklat ng buhay. Hinatulan ang mga patay ayon sa kanilang ginawa, batay sa nakasulat sa mga aklat. Iniluwa ng dagat ang mga patay na naroroon. Iniluwa din ng Kamatayan at Daigdig ng mga Patay ang mga patay na nasa kanila. Hinatulan ang lahat ayon sa kanilang mga ginawa. Pagkatapos ay itinapon din sa lawa ng apoy ang Kamatayan at ang Daigdig ng mga Patay. Ang lawa ng apoy ang pangalawang kamatayan. Ang sinumang hindi nakasulat ang pangalan sa aklat ng buhay ay itinapon sa lawa ng apoy.

Spread the Word of God

Comments

comments

Exit mobile version