Site icon Jesus is my Lord and Savior

Ang salita ng Diyos

ang salita ng diyos, Ang salita ng Diyos

ang salita ng diyos, Ang salita ng Diyos

TUNGKOL SA ANG SALITA NG DIYOS MULA SA MGA BERSIKULO NA NASA BIBLIA:

Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Diyos, at ang Verbo ay Diyos. At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan.
– Juan1:1,14

Datapuwa’t siya’y sumagot, at sinabi, Nasusulat, Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa’t salitang lumalabas sa bibig ng Diyos.
– Mateo 4:4

Ang salita mo’y aking iningatan sa aking puso: upang huwag akong magkasala laban sa iyo.
– Mga Awit 119:11

Kayo’y malilinis na sa pamamagitan ng salita na sa inyo’y aking sinalita.
– Juan 15:3

Ang bukas ng iyong mga salita ay nagbibigay ng liwanag; nagbibigay ng unawa sa walang muwang.
– Mga Awit 119:130

Pagsikapan mong humarap na subok sa Diyos, manggagawang walang anumang ikahihiya, na gumagamit na matuwid ng salita ng katotohanan.
– 2 Timoteo 2:15

Sapagka’t ang salita ng Diyos ay buhay, at mabisa, at matalas kay sa alin mang tabak na may dalawang talim, at bumabaon hanggang sa paghihiwalay ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at ng utak, at madaling kumilala ng mga pagiisip at mga haka ng puso.
– Mga Hebreo 4:12

Ang espiritu nga ang bumubuhay; sa laman ay walang anumang pinakikinabang: ang mga salitang sinalita ko sa inyo ay pawang espiritu, at pawang buhay.
– Juan 6:63

Ang langit at ang lupa ay lilipas, datapuwa’t ang aking mga salita ay hindi lilipas.
– Mateo 24:35

Gaya ng mga sanggol na bagong panganak ay nasain ninyo ang gatas na walang daya na ukol sa espiritu, upang sa pamamagitan nito’y magsilago kayo sa ikaliligtas;
– 1 Pedro 2:2

Spread the Word of God

Comments

comments

Exit mobile version